Mga kritiko pinakakalma ng Malacañang sa martial law extension sa Mindanao

By Chona Yu December 12, 2018 - 03:40 PM

Tiniyak ng Malacañang patuloy na itataguyod ang fundamental rights at kalayaan ng mamayan sa Mindanao region.

Pahayag ito ng palasyo matapos aprubahan ng kongreso ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa buong Mindanao ng isang taon at patuloy na pairalin ang suspension ng habeas corpus.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, positive development para sa palasyo na katigan ang hirit ng pangulo.

Tiniyak ng opisyal na mahigpit na susundin ng mga pulis at sundalo ang karapatan ng bawat mamayan sa Mindanao.

Nagpapasalamat aniya  ang palasyo sa mga mambabatas na nakiisa sa pananaw ng ehekutibo na ang pagpapalawig sa martial law ay para lamang sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing rehiyon.

Umaasa aniya ang palasyo na magkakaroon ng substantial progress para matugunan ang rebelyon at maitaguyod ang peace and order sa Mindanao.

Nauna dito ay nanindigan ang liderato ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na patuloy ang banta ng terorismo at rebelyon sa rehiyon kaya dapat lamang na palawigin ang martial law doon.

TAGS: Congress, malcanang, Martial Law, Mindanao, panelo, Congress, malcanang, Martial Law, Mindanao, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.