Inaasahang tataas pa ang bilang ng patay ayon sa pagtaya ng mga otoridad.
Karamihan sa mga nasawi sa terror attack ay mula sa Bataclan Theater na kilalang concert venue dito sa Paris.
Pitong magkakahiwalay na atake ang naganap sa Paris bago mag-hatinggabi ng 13 Nobyembre, araw ng Biyernes.
Wala pang grupong umako ng pag-atake ngunit ang grupo ng ISIS ang isa sa pinaghihinalaang nasa likod ng pag-atake.
Ayon Kay French President Francois Hollande, malinaw na coordinated terror attack ang naganap.
Agad na iniutos ng pamahalaan ng France ang pagsasara ng borders nito.
Tapos na ang hostage crisis sa concert hall ngunit hinihinala ng mga otoridad na hindi pa tapos ang pag-atake.
“Contained and controlled situation” na ang sitwasyon ayon sa lokal na pamahalaan ng Paris ngunit ang posibilidad ng isa pang pag-atake ay hindi isinasantabi.
Nasa alerto na rin ang iba pang mga bansang kalapit ng France kasunod ng terror attack.
Ang France ay nakaranas na ng terror attack sa mga nakalipas na panahon ngunit ito na ang pinakamalubhang pag-atakeng kanilang naranasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.