Diokno bumuwelta sa mga nagsabing sangkot ang DBM sa budget insertion

By Den Macaranas December 12, 2018 - 03:01 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi pwedeng tawaging insertion ang dagdag na P75 Billion na allocation na idinagdag sa 2019 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang nasabing pondo ay bahagi ng panukalang P3.757 Trillion para sa susunod na taon.

Nilinaw ng kalihim na ang orihinal na inihihirit na pondo ng DPWH na pondo ay P652 Billion mula sa DBM.

Pinagtibay ng gobyerno ang kabuuang P123.9 Billion para sa unang bahagi at dagdag na P356 Billion para sa second tranche.

Sa kabuuan ay aabot sa P480.2 Billion ang inaprubahang pondo ng nasabing kagawaran.

Para maabot ang kabuuan ng pondo ay inaprubahan ng DBM ang 5-percent share ng gross domestic products para pondohan ang mga ilang proyekto ng DPWH kaya ito ay umabot sa P75 Billion.

Sinabi pa ni Diokno na higit na mas malaki ito kumpara sa sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na umano’y P51 Billion insertion sa national budget.

Binigyang-diin pa ng kalihim na maling pagbintangan ng DBM na sangkot sa insertion dahil ito ay bahagi ng proseso para madagdagan ang pondo sa mga proyekto ng DPWH.

Ikinatwiran pa ni Diokno na alam ng pangulo ang nasabing pondo at tranparent ang kanilang record sa mga pondo pinagtibay at inilalabas ng kanyang tanggapan.

TAGS: andaya, budget insertion, BUsiness, DBM, diokno, DPWH, andaya, budget insertion, BUsiness, DBM, diokno, DPWH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.