BREAKING: 1-taon pang extension ng martial law sa Mindanao inaprubahan ng Kongreso

By Erwin Aguilon December 12, 2018 - 01:23 PM

Aprubado na sa isinagawang joint session ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling palawigin ang martial law at suspension of the privilege of habeas corpus sa Mindanao.

Sa botong 235 YES, 28 NO at at 1 ABSTAIN inaprubahan ng Kamara at Senado ang martial law extension at suspension of the privilege of the writ of habeas corpus sa rehiyon.

Dahil dito, mananatili ang batas militar sa Mindanao hanggang sa December 31, 2019.

Sa kanyang statement sa pasimula ng joint session sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kailangan pa rin ang martial law at suspension of the privilege of the writ of heabeas corpus.

Paliwanag ni Medialdea, hotbed pa rin kasi ngayon ng mga komunista ang Mindanao bukod pa ang presensya ng mga terorista.

Dapat anyang maranasan din ng mga taga Mindanao ang seguridad na nararamdaman ng mga taga malayo rito.

Sinabi naman ng bagong talagang AFP Chief of Staff Lt. General Benjamin Madrigal Jr mayroong nasa mahigit 2400 na kalaban ng estado sa Mindanao sa ngayon.

Kabilang na dito ang Abu Sayaff Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighter, Daulah Islamia at mga komunista.

Nangako naman si Medialdea na pananatilihin ang disiplina, pagsunod sa rule of law at walang pang aabuso sakaling pahintulutan ng Kongreso ang martial law extension.

Sa ilalim ng 1987 Constitution ang pangulo lamang ang may kapangyarihang magdeklara ng Batas Militar at suspension of the privilege of the writ of habeas corpus sa anumang panig ng bansa.

Maari naman itong i-revoke ng kongreso sa isang joint session sa pamamagitan ng majority, voting jointly.

Ang pagpalalawig ng batas militar at suspension of the privilege of the writ of habeas corpus at nasa kapangyarihan ng kongreso sa ilalim ng Saligang Batas pero kailangan ng request mula sa pangulo.

Sa pamamagitan ng isang joint session ng Kamara at Senado na magbobotohan at sa mayoryang boto maaring mapagbigyan ang hiling ng pangulo.

Magugunitang idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law at suspension of the privilege of the writ of habeas corpus sa Mindanao noong Pebrero ng 2017 dahil sa pagkubkob sa Marawi City ng Maute Terror Group.

TAGS: 1-taon extension, Congress, inaprubahan ng Kongreso, joint session, Martial law sa Mindanao, Senate, 1-taon extension, Congress, inaprubahan ng Kongreso, joint session, Martial law sa Mindanao, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.