Budget insertion sa 2019 national budget iniimbestigahan na ng Malakanyang

By Chona Yu December 12, 2018 - 12:47 PM

Pinaiimbestigahan na ng Malakanyang ang pahayag ni House Majority leader Rolando Andanya na may isiningit si Budget Secretary Benjamin Diokno na P75 bilyon pork barrel funds sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bubusiin ng husto ng ehekutibo kung mayroong anomalya sa pambansang pondo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na pinabulaanan na ni Diokno ang alegasyon ni Andanya.

Malinaw aniya ang polosiya ng Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinasanto ang kanyang administrasyon sa usapin ng korupsyon.

Hindi rin aniya hahayaan ng pangulo na magkaroon ng mga paboritong distrito.

Dapat ayon kay Panelo, pantay-pantay na mahahati ang pondo para mabigyan ng maayos na serbisyo ang publiko.

Pinaiimbestigahan na rin aniya ng palasyo ang pagkakauha ng CT Leoncio Construction and Trading sa mga proyekto ng pamahalaan.

TAGS: insertions, national budget, panelo, insertions, national budget, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.