Departamento na tututok sa pangangailangan ng budget ng mga distrito pinabubuo ni Panelo

By Chona Yu December 12, 2018 - 12:37 PM

Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinakailangan na bumuo ang pamahalaan ng isang departamento na tutok sa pangangailangan ng budget ng mga distrito sa bansa.

Sa ganitong paraan, ayon kay Panelo matitigil na ang gulo sa pagpasa ng pambansang budget na karaniwang nagkakaroon ng mga singitan o budget insertion.

Sinabi pa ni Panelo na ang naturang mekanismo ang solusyon para matugunan ang graft and corruption sa pambansang pondo.

Dagdag ni Panelo, mapapadali rin ang accountability dahil agad na matutukoy kung sino ang nangurakot sa pondo.

Una rito, sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na aabot sa mahigit limang bilyong piso ang nakasingit sa 2019 national budget.

TAGS: Budget, panelo, Radyo Inquirer, Budget, panelo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.