13 informants naghati-hati sa higit P3M na reward ng PDEA
Mahigit sa tatlong milyong piso ang ipinagkaloob na reward ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa labing isang informants o tipster.
Ang mga ito ay tumulong sa PDEA sa pagtunton at pag-aresto sa mga drug personalities at pagkakasabat sa mga ilegal na droga sa 19 na anti-drug operations.
Sa isinagawang seremonya sa punong tanggapan ng PDEA sa Quezon City, kabuuang P3.176 million ang pinaghati-hatian ng labingtatlong informants na may codenames na Efren, El Guapo, Garfield, Aser, RK Cobra, Ada, Spade, Chard, Bungo, Abe, Dang at Bantay.
Mula sa 13 informants, si Efren ay nakatanggap ng mahigit P986,000, na pinakamalaking reward, habang si Bantay ay binigyan ng higit P14,000, na pinakamababa.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang reward system ay bahagi ng “Operation Private Eye” na layong hikayatin ang mga sibilyan na ireport ang mga illegal drug activities sa kani-kanilang komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.