Lalaking nagnakaw ng motorsiklo patay sa engwkentro sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon December 12, 2018 - 11:55 AM

Police banner

Patay ang isang lalaki na suspek sa pagbebenta ng nakaw na motorsiklo sa Batangas.

Sa ulat ng Calabarzon police, kinilala ang suspek na si alyas Billy na nasawi sa shootout sa bayan ng Sta. Teresita.

Naganap ang shootout ala 1:45 ng madaling araw sa Barangay Antipolo habang nagsasagawa ng entrapment operation ang mga otoridad laban sa mga hinihinalang nagnanakaw ng motorsiklo.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng motorsiklo pero nang makahalata si Billy ay bumunot ito ng baril at nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek habang ang iba pang kasama nito ay nakatakas.

Nakuha sa suspek ang isang 9mm na baril at isang hindi rehistradong motorsiklo.

TAGS: Batangas, police line, Radyo Inquirer, Batangas, police line, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.