Kaso kaugnay nawalang shabu sa magnetic lifters sa Cavite, isasampa na ng PDEA

By Isa Avendaño-Umali December 12, 2018 - 11:21 AM

PDEA Photo

Isasampa na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa mga sangkot sa pagkawala ng mga shabu sa nasabat na magnetic lifters sa Cavite.

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino ang mga kaso ay isasampa bukas, araw ng Huwebes, Dec. 13 sa Department of Justice (DOJ).

Hindi naman tinukoy pa ni Aquino kung kasama sa kakasuhan si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña at dating PDEA Deputy Director for General Administration Ismael Fajardo.

Sinabi ni Aquino na inaasahang maisasapinal ang kaso ngayong araw na ito para sa pormal na paghahain bukas.

Matatandaan na si Lapeña ang pinuno ng BOC kung kailan naipuslit ang magnetic lifters na may laman daw ng shabu na nasa P6.8 billion, pero naglaho.

Nagsagawa na ng imbestigasyon dito ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Inamin naman ni Aquino na hindi na niya nakakausap si Fajardo, na maalalang sinibak sa pwesto.

Noon aniya ay kinumbinsi niya si Fajardo na dumalo sa pagdinig, pero nagbago na raw ito ng cellphone number. At kahit daw misis at anak ni Fajardo ay nagsasabing hindi raw nila alam kung nasaan ang dating PDEA official.

TAGS: magnetic lifters, PDEA, shabu, magnetic lifters, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.