DPWH ipinanukala ang pagpopondo para sa konstruksiyon ng bagong diversion road sa Leyte

By Ricky Brozas December 12, 2018 - 09:39 AM

Para maibsan ang tumitinding lagay ng trapiko at pagbaha sa lalawigan ng isusulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng Tacloban-Palo Diversion Road Project sa 2019.

Ayon kay Director Nerie Bueno ng DPWH-Region 8, nakadisenyo ang proposed 2.87-kiometer, 4-lane road na magsisi simula sa San Jose-Candahug Road sa Tacloban City hanggang Maharlika Highway sa Barangay Campetic, Palo, Leyte na tatawid sa Baranggay ng Pawing para mabawasan ang vehicular traffic sa Maharlika Highway at maibsan ang pagbaha sa lugar.

Sinabi ni Director Bueno, ang naturang proyekto ay magbibigay proteksiyon din sa buhay at mga ari-arian sa mga nakatira sa mga Barangay sa Palo at Tacloban na madalas bahain dahil mayroon itong itatayong flood-control component na kinabibilangan ng anim na metrong lapad na Kanal at double barrel cross drainage sa kada limampung metro.

Ang konstruksiyon ng malalaking drainage aniya ay para maibsan ang mga pagbaha sa mga Barangay ng Candahug, Pawing, at Campetic sa Palo,Leyte; at mga Barangay naman ng Caibaan, San Jose, Marasbaras, Manlurip, pati na sa V&G Subdivision at Imelda Subdivision sa Tacloban City.

Ang mga nabanggit na mga barangay ay karaniwan nang nauuwi sa pagiging mala-ilog kapag tag-ulan at may bagyo at Inaabot ng linggo bago humupa ang baha doon.

Dagdag pa ng opisyal, kapag natapos na ang Tacloban-Palo Diversion Road ay lalagyan din ito ng bike lanes, sidewalk, service road, solar street lights at road safety device components na nagpapasigla sa komersiyo sa lalawigan.

P2 bilyon pondo ang kakailanganin ng DPWH para makumpleto ang proyekto.

TAGS: DPWH, Tacloban-Palo Diversion Road, DPWH, Tacloban-Palo Diversion Road

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.