Marching order ni Pang. Duterte sa bagong AFP chief of staff, isulong ang civilian led approach sa komunistang grupo

Babaguhin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang estratihiya sa paglaban sa komunistang grupo.

Utos ni Pangulong Duterte kay bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal, mula sa military centric approach, dapat na itong gawing civilian led approach.

Ayon sa pangulo, nilagdaan na niya ang Executive Order No. 70 na bubuo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa ilalim ng naturang programa, bibigyan na ng pamahalaan ng basic services ang mga komunidad na nasa panganib na lugar.

Hindi maikakaila ayon sa pangulo na ang kahirapan ang isa sa mga ugat ng communist movement o ang armadong pakikibaka laban sa pamahalaan.

Utos pa ng pangulo kay Madrigal, panatilihin ang kapayapaan sa bansa at gumawa ng legasiya na magbibigay ng pagbabago sa lipunan.

Umaasa rin ang pangulo na milya-milya ang magagawa ni madrigal para labanan ang terorismo, insurgent at iba lang uri ng banta sa seguridad sa bansa.

Read more...