PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Dec. 12

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2018 - 07:52 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi Mandaluyong City, Calamba City at Meycauayan, Bulacan.

Sa Mandaluyong City, sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Barangay Plainview.

Mayroon kasing reconductoring work ang Meralco sa kahabaan ng Kalinisan Street.

Sa Calamba City sa Laguna naman, parehong oras din ang nakatakdang power interruption sa Barangay Pansol.

Magpapalit naman ng poste ang Meralco sa loob ng Miramonte Village Subdivision.

Habang sa Meycauayan City, Bulacan, sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Iba.

TAGS: Bulacan, Calamba, Mandaluyong, Radyo Inquirer, Bulacan, Calamba, Mandaluyong, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.