5 arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa Paranaque at QC

Arestado ng mga pulis ang limang katao sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Paranaque City at Quezon City.

Sa Barangay Don Bosco sa Paranaque, nadakip ang tatlong magkakamag-anak matapos mahulihan ng aabot sa P1.3 million na halaga ng shabu.

Ayon sa Quezon City Police District Station 7, sa Cubao sana gagawin ang transaksyon pero biglang binago ng suspek ang lugar.

Nakarating sa isang mall sa Don Bosco ang bentahan at doon nadakip ang tatlo.

Sinabi ni Supt. Giovanni Caliao, station commander ng QCPD Station 7, ang mga parokyano ng mga suspek ay mula sa Cubao, Parañaque at ibang parte ng Metro Manila.

Samantala, dalawa naman ang nadakip sa Barangay Culiat sa Quezon City dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakuha sa dalawang suspek ang P60,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Read more...