40 bahay nasunog sa Antipolo City

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2018 - 06:36 AM

FB Photo: Brgy. Dela Paz

Tinupok ng apoy ang aabot sa 40 mga bahay sa Barangay Dela Paz, Antipolo City sa Rizal.

Nagsimula ang sunog alas 7:30 ng gabi ng Martes na umabot sa ikalawang alarma.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga nasunog na bahay.

Makalipas naman ang dalawang oras ay naapula na ang apoy.

Ayon sa Antipolo Citiy Fire Bureau maaring overloading ng Christmas lights mula sa isang bahay ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Pero ayon sa mga residente maraming residente ang nagju-jumper sa lugar.

Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog habang inaalam pa ang halaga ng pinsalang naidulot nito.

TAGS: Antipolo City, Barangay Dela Paz, fire incident, Antipolo City, Barangay Dela Paz, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.