Pagbabalik ng Balangiga Bells patunay na posible ang pagpapatawad at muling pagkakasundo – CBCP
Ikinatuwa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang muling pagbabalik ng makasaysayang Balangiga Bells sa bansa.
Para kay CBCP President at Davao Archbishop Romullo Valles, isang oportunidad ang pagbabalik ng bells upang maunawaang maigi ang kasaysayan ng may mas malalim na pananaw.
Giit pa ni Valles, nagpapakita lamang ang pangyayari na ito na bagaman mahirap ay posible pa rin ang pagpapatawad at muling pagkakasundo.
Matatandaang kinuha ng mga Amerikanong sundalo ang Balangiga bells bilang war trophies matapos ang Philippine American War noong 1901.
Ayon pa kay Archbishop Valles, isang priceless religious treasure ang mga kampana na may malaking bahagi sa kasaysayan ng Simbahang Katolika sa bansa.
Samantala, sa isang pahayag sinabi naman ng Diocese of Borongan at ng St. Lawrence Parish kung saan nakalagak ang Balangiga Bells na kanilang titiyakin na magagamit sa pagpapalawiig ng pananampalataya ang mga kampana at iingatan ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.