Criminology student patay sa pamamaril sa Parañaque City

Bibisita lamang sa kanyang kaibigan ang isang criminology student nang bigla itong pagbabarilin sa Barangay San Isidro, Parañaque City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ron Christopher Paulino, 30 taong gulang na residente naman ng Barangay San Dionisio.

Batay sa paunang impormasyon ng mga otoridad, mula sa bahay ng kanyang kaibigan ay pauwi na sana si Paulino nang dumating ang isang motorsiklo na lulan ang isang gunman.

Walang pag-aatubili ay pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin ang biktima na agad nasawi dahil sa mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakatakas ang suspek sa hindi nabatid na direksyon.

Narekober ang tatlong mga basyo ng kalibre .45 baril mula as pinangyarihan ng insidente.

Blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng krimen.

Read more...