Pacman hindi dumalo sa nakatakdang training

By Justinne Punsalang December 12, 2018 - 12:07 AM

Pansamantalang nagpahinga sa kanyang boxing training si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Ito ang isiniwalat ng kanyang trainer na si Buboy Fernandez.

Paliwanag nito, ang hindi pagdalo ni Pacman sa nakatakda niyang training kahapon, araw ng Martes, ay dahil sa napagod ang Pambansang Kamao sa naging trabaho sa Senado.

Dapat kasi ay matapos ang sesyon sa Senado ay magkakaroon ng sparring session si Pacquiao sa Elorde Boxing Gym sa Mall of Asia kung saan makaka-spar niya si George Kambosos, Jr.

Samantala, ayon kay Fernandez, bukas, araw ng Huwebes, ay nakatakdang umuwi ng General Santos City si Pacman upang doon ipagpatuloy ang kanyang training.

Magaganap ang laban ni Pacquiao kay Adrien Broner sa January 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Nakasalalay sa naturang laban ang WBA welterweight belt ni Pacquiao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.