Pagdalo ni Pangulong Duterte sa turnover ng Balangiga Bells sa E. Samar hindi pa sigurado – DND

Hindi pa sigurado kung pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa turnover ceremony ng Department of National Defense (DND) sa Diocese of Balanga para sa makasaysayang Balangiga Bells.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, target na petsa ng turnover ay sa December 14 o 15 at inaasahang pupunta ang pangulo.

Gayunman anya ay masyadong abala ang punong ehekutibo kaya’t sa mismong araw ng okasyon ay hindi pa siguradong makakarating ito.

Sakali anyang makarating si Duterte ay magbibigay ito ng talumpati bukod kina US Ambassador to the Philippine Sung Kim at Sec. Delfin Lorenzana.

Nais naman ng kagawaran na mailagay na sa kampanaryo ang Balangiga Bells sa December 15 para magamit sa ‘Simbang Gabi.’
Kahapon, nagbalik na sa bansa ang makasaysayang mga kampana na kinuha ng mga tropang Amerikano bilang war trophies noong 1901.

Read more...