Higit 1,000 trabaho sa Israel, magbubukas para sa mga Pinoy

By Angellic Jordan December 11, 2018 - 10:14 PM

Panibagong labor agreement ang nilagdaan ng Pilipinas at Israel.

Dahil dito, magbubukas ito ng mga trabaho para sa mga Pilipinas na nais magtrabaho sa Middle East nation.

Nilagdaan ang kasunduan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin.

Mahigit 1,000 trabaho ang magbubukas sa mga Pilipino na nais pumasok sa mga Israeli hotel.

Batay sa tala ng Embahada ng Pilipinas sa Israel, aabot sa 28,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing lugar.

TAGS: israel, Israeli Tourism Minister Yariv Levin, Sec. Silvestre Bello III, israel, Israeli Tourism Minister Yariv Levin, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.