Pagpasa ng Kamara sa draft federal charter, inalmahan

By Isa Avendaño-Umali December 11, 2018 - 08:45 PM

Mariing kinondena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang ginawang pag-railroad ng Kamara sa panukalang Charter Change (Cha-Cha).

Inaprubaban ng Lower House sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses 15 na magbabago sa sistema ng gobyerno tungo sa Federalism.

Ayon sa KMP, malinaw na minadali ng Mababang Kapulungan sa ilalim ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpasa sa Cha-Cha.

Babala ng KMP, sa oras na maging ganap na batas ang Cha-Cha, bubuksan nito ang ekonomiya ng bansa sa “foreign plunder” at “exploitation” o pang-aabuso.

Tatanggalin din anila ng Cha-Cha ang mga natitirang polisya sa Konstitusyon na nagpo-protekta sa mga tao at bansa, habang ang makikinabang ay ang iilang opisyal at pulitiko.

TAGS: charter change, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, charter change, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.