Lorenzana: Listahan ng “ouster plotters” ni Paolo Duterte, fake news
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na fake news ang inilabas ni Presidential son Paolo Duterte na listahan ng mga grupo at indibidwal na umano’y nagpaplano na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Lorenzana, unang kita pa lang niya sa post ni Duterte ay sinabi na niyang peke ito.
Noong nakaraang linggo ay nag-post si dating Davao City Vice Mayor Duterte ng screenshot ng listahan ng mga pangalan, grupo at kumpanya na umano’y “Anti-Administration Group” na nagsasabwatan umano para matanggal ang pangulo sa pwesto.
Kasama rito ang mga kritiko ng administrasyon, politico, obispo, at kumpanyang Jollibee at PLDT.
Umani ng batikos ang post ni Duterte partikular sa mga nasama sa listahan.
Pero sa ngayon ay wala na ang post ng nakakabatang Duterte dahil tinanggal na niya ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.