Galvez, magsisilbing kalihim ng OPAPP simula sa susunod na linggo – Duterte

By Chona Yu December 11, 2018 - 07:48 PM

Simula sa susunod na linggo, mauupo na bilang bagong Presidential Adviser on the Peace Process si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Carlito Galvez.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Change of Command Ceremony ng incoming Chief-of-Staff of the Armed Forces of the hilippines (CSAFP) Lieutenant General Benjamin Madrigal at Testimonial Review ng outgoing CSAFP General Carlito Galvez, Jr. sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Papalitan ni Galvez si dating Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na nagbitiw sa puwesto matapos masangkot sa korupsyon ang dalawang tauhan nito.

Ayon sa pangulo, si Galvez ang ika0siyam na military man na magiging miyembro ng kanyang gabinete.

Kasabay nito, inatasan naman ni Pangulong Duterte si bagong AFP chief of staff Benjamin Madrigal na gumawa ng legasiya na magbibigay ng positibong pagbabago sa bansa.

Inatasan din ng pangulo ang mga sundalo na suportahan si Madrigal at panatilihin ang kapayapaan sa komunidad.

Ayon sa pangulo, hindi dapat biguin ng mga sundalo ang publiko na tuparin at gampanan ang sinumpaang tungkulin.

TAGS: Carlito Galvez, opapp, Pangulong Duterte, Carlito Galvez, opapp, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.