Sinabi ni Renato Reyes, ang secretary general ng Bayan, ang mga kampana ay simbolo ng magiting na paglaban ng mga mamamayan sa kolonyalismong Amerikano at simbolo rin ng war crimes ng US.
Gayunman, magiging ganap lamang aniya ang hustisya kung may pormal na pagkilala ang Estado Unidos sa mga krimen nito sa Samar.
Marapat din, ani Reyes, na magkaroon ng reparations o danyos para sa mga komunidad na dumanas ng brutalidad ng mga Amerikano.
Sa panig naman ni Tinay Palabay, secretary general ng KARAPATAN, “welcome” sa kanila ang pagbabalik ng Balingaga bells sa ating bansa.
Pero magmimistulang palamuti lamang ito kung hindi hihinto ang patuloy na paglabag sa soberenya ng Pilipinas.