Pagbabalik sa Pilipinas ng Balangiga bells, ikinalulugod ng mga militante
Tagumpay ng mga mamamayan na naibalik na sa Pilipinas ang Balangiga Bells, ayon sa grupong Bayan.
Sinabi ni Renato Reyes, ang secretary general ng Bayan, ang mga kampana ay simbolo ng magiting na paglaban ng mga mamamayan sa kolonyalismong Amerikano at simbolo rin ng war crimes ng US.
Gayunman, magiging ganap lamang aniya ang hustisya kung may pormal na pagkilala ang Estado Unidos sa mga krimen nito sa Samar.
Marapat din, ani Reyes, na magkaroon ng reparations o danyos para sa mga komunidad na dumanas ng brutalidad ng mga Amerikano.
Sa panig naman ni Tinay Palabay, secretary general ng KARAPATAN, “welcome” sa kanila ang pagbabalik ng Balingaga bells sa ating bansa.
Pero magmimistulang palamuti lamang ito kung hindi hihinto ang patuloy na paglabag sa soberenya ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.