Speaker GMA, iginiit na walang dapat ipaliwanag ukol sa umano’y bilyong pisong budget sa Pampanga

By Erwin Aguilon December 11, 2018 - 07:10 PM

Iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na wala siyang dapat na ipaliwanag tungkol sa bilyones na alokasyon sa ikalawang distrito ng Pampanga.

Ayon kay Speaker GMA, hindi siya ang naghanda ng panukalang 2019 national budget kundi ang Appropriations Committee ng Kamara.

Wala rin aniyang katotohanan ang alegasyon na na-korner niya ang pinakamalaking parte sa budget.

Sinabi ng lider ng Kamara may 60 hanggang 90 na iba pa ang mas malalaki ang nakuhang pondo kaysa sa kanyang distrito.

Pinabulaaan rin ng speaker na mga kaalyado niya ang napaboran sa budget dahil ang dating liderato aniya ng Kamara ang ilang beses na mas malaki ang alokasyon kumpara sa kanyang distrito.

TAGS: Kamara, Pampanga, Speaker GMA, Kamara, Pampanga, Speaker GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.