Mga isnaberong taxi driver sa gitna ng Christmas rush, huhulihin ng LTFRB

By Len Montaño December 11, 2018 - 06:26 PM

Dalawang linggo bago ang Pasko, nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huhulihin nila ang mga taxi driver na ayaw magsakay ng mga pasahero sa gitna ng holiday rush.

Target ng hakbang ng LTFRB ang mga isnaberong taxi driver lalo na iyong mga nasa mall na namimili ng mga pasahero.

Sa ilalim ng nationwide Oplan Isnabero ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), huhulihin at pagmumultahin ang mga mapiling taxi.

Naka-stand by ang mga tauhan ng LTFRB sa mga mall at ibang pasyalan ngayong Pasko para manita ng mga driver na ayaw magsakay ng pasahero.

Iginiit ng ahensya na kailangang sumunod ang taxi drivers sa mandato na magsakay ng pasahero lalo na ngayong Christmas rush.

Ang impormasyon ukol sa isnaberong taxi driver ay ikukumpara sa database ng LTFRB para masuri ang prangkisa ng taxi.

Ngayong December 11, may nahuli nang taxi driver na naka-tsinelas lang habang nasa biyahe.

May ilang taxi drivers naman na nagsabing dapat may kunsiderasyon din ang pasahero lalo na raw kung valid naman ang dahilan kaya ayaw magsakay.

Mungkahi naman ng ilang pasahero, ipatupad din ang Oplan Isnabero sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan kung saan marami ang nangongontratang mga taxi.

TAGS: Christmas 2018, ltfrb, Oplan Isnabero, taxi drivers, Christmas 2018, ltfrb, Oplan Isnabero, taxi drivers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.