Maria Ressa, naglagak ng piyansa sa CTA

By Isa Avendaño-Umali December 11, 2018 - 02:56 PM

Naglagak na ng piyansa ang presidente ng Rappler at award-winning journalist na si Maria Ressa sa Court of Tax Appeals (CTA).

Aabot sa P204,000 ang kabuuang bail na kanyang inilagak sa CTA bago pa man maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Ito ay para sa mga kasong tax evasion na isinampa ng Department of Justice (DOJ) prosecutors laban kay Ressa at Rappler Holdings Corporation (RHC).

Apat na bilang ng mga kaso ay inihain sa CTA habang ang isa ay sa Pasig Regional Trial Court kung saan naglagak na rin ng piyansa si Ressa.

Ayon sa gobyerno, lumabag si Ressa at RHC sa Section 254 ng Republic Act 8424 o National Internal Revenue Code of the Philippines dahil sa pagtatangka raw na makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Lumabag din daw sina Ressa at RHC sa Section 255 ng RA 8424 dahil sa kabiguang magsumite ng tamang impormasyon ukol sa income tax at value added tax o VAT return noong 2015.

Dahil sa cash bond na aprubado ng CTA, pansamantalang malaya si Ressa.

TAGS: court of tax appeals, Maria Ressa, Rappler Holdings Corporation, court of tax appeals, Maria Ressa, Rappler Holdings Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.