Pagkuha ng government data sa sangay ng ehekutibo, pinaigiting ng PCOO

By Chona Yu December 11, 2018 - 02:42 PM

Patuloy na itinataguyod ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagkakaroon ng mas madaling pagkuha ng government data sa sangay ng ehekutibo.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, ito rin ang dahilan kung kaya idiniga ng kaniyang tanggapan ang Freedom of Information (FOI) sa mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – Aklan chapter.

Bukod sa FOI, ibinahagi rin ni Andanar ang mga programa ng Presidential Task Force on Media Security na malaking tulong sa mga kagawad ng media.

Ayon kay Andanar, sa panahong marami na ang sources ng mga impormasyon, mahalagang maiangat din ang kalidad ng pagkuha ng government data mula sa mga tanggapan ng Executive department sa ngalan ng transparency.

Samantala, siniguro ni Andanar na dadalhin ng PCOO sa Kalibo Aklan ang Passport on Wheels o Press Freedom Caravan para sa mga mamamahayag sa buong Region 6.

TAGS: government data, pcoo, Sec Martin Andanar, government data, pcoo, Sec Martin Andanar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.