U.S. envoy Sung Kim: Balangiga Bells are now home in the Philippines where they belong
Mahabang biyahe patungo sa tahanan nito.
Ganito inilarawan ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim ang naging proseso bago tuluyang maibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.
Sa kaniyang pahayag sa handover ceremony ng mga kampana sa Villamor Airbase sa Pasay City, sinabi ni Kim na sa pagbabalik ng mga kampana, ipinapaalala na maraming Filipino at Amerikano ang lumaban noon para sa kalayaan.
Patunay din aniya itong nananatiling matibay ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Sinabi ni Kim na isang malaking karangalan para sa kaniya na masaksihan ang seremonya na magsasara sa mapait na bahagi ng kasaysayan ng Amerika at Pilipinas.
Ngayong nasa bansa na ang mga kampana, hiniling ni Kim kay Defense Sec. Delfin Lorenzana na isauli na mga ito sa mga residente ng bayan ng Balangiga sa Eastern Samar.
“The bells of Balangiga are now home in the Philippines where they belong. Please take them to people of Balangiga and to the church of San Lorenzo. May they ring in peace and bear testament to the ties and values which bind our 2 great nations for generations to come,” ayon kay Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.