Sen. Drilon ipinababalik ang P16.8B na budget na tinapyas sa DOH

By Jan Escosio December 11, 2018 - 11:33 AM

Radyo Inquirer File Photo

Hinikayat ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang Senate Committee on Finance na ibalik ang P16.8 bilyon sa nabawas na P28 bilyon sa budget ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang interpelasyon sa P79 bilyong budget ng DOH para sa susunod na taon, ikinadismaya ng senador ang pagkakabawas ng budget sa ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa pagbibigay ng social protection.

Sinabi nito, sa natapyas na budget ay lubhang maapektuhan ang Health Facilities Enhancement Program, na para sa mga pasilidad na pang-kalusugan.

Aniya may 900 health facilities na bagamat naitayo na at may mga tauhan na ay nangangailangan pa rin ng mga kagamitan para bigyan ng accreditation ng Philhealth at ito ay nawalan ng P7.4 bilyong budget.

Idinagdag pa ng senador na may ginagawang 328 health facilities na nanganganib na hindi matapos dahil nabawasan ang budget ng kagawaran.

Pagdidiin nito, mahirap intindihin na nabawasan ang pondo para sa makukuhang libreng serbisyong medikal ng mga mahihirap ngunit napaglaanan ng bilyong-bilyong piso ang mga kalsada dahil sa hirit ng ilang kongresista base sa pagbubunyag ni Sen. Ping Lacson.

TAGS: department of health, Franklin Drilon, Radyo Inquirer, department of health, Franklin Drilon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.