Mahigit 20,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan mula kaninang madaling araw
Aabot sa halos 21,000 mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa mula kaninang (Dec. 11) ng madaling araw.
Sa datos ng PCG sa pagpapatuloy ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, mula alas 12:00 ng hantinggabi hanggang alas 6:00 ng umaga kabuuang 20,997 ang mga naitalang pasahero sa mga pantalan.
Nakapagtala ng pasahero ang coast guard sa mga sumusunod na pantalan sa bansa:
1. Central Visayas- 5,790
• Cebu- 4,515
• Bohol- 1,275
2. Southern Tagalog- 2,652
• Batangas – 475
• Oriental Mindoro – 93
• Southern Quezon- 210
• Occidental Mindoro – 540
• Romblon- 1,334
3. Western Visayas – 2,665
• Aklan – 2,157
• Ilo-Ilo – 508
4. Southeastern Mindanao- 6,308
• Davao- 6,308
5. Bicol- 1,370
• Sorsogon – 1,220
• Masbate – 150
6. Northern Mindanao- 922
• Surigao del Norte – 251
• Lanao del Norte – 169
• Misamis Occidental – 199
• Zamboanga del Norte – 303
7. Eastern Visayas- 427
• Southern Leyte- 239
• Northern Samar – 188
8. Southern Visayas – 863
• Negros Oriental – 51
• Negros Occidental – 812
Ayon sa coast guard sa ikalawang araw ng kanilang Oplann Biyaheng Ayos, ay mapayapa naman ang sitwasyon sa mga pantalan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.