Eligibility sa mga aplikante sa gobyerno isasantabi na ni Pang. Duterte

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na busisiin pa ang eligibility ng mga aplikante na nagbabalak pumasok sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, ang tanging hinahanap niya na lamang ngayon ay ang mga taong competent at honest o tapat sa serbisyo.

Agad namang nilinaw ng pangulo na hindi niya minamaliit ang kwalipikasyon ng mga aplikante kundi ayaw niya lamang magkaroon ng mga tauhan na kurakot.

Dagdag ng pangulo, hindi rin siya nagpapapogi lamang dahil trabaho lamang ang kanyang ginagawa.

Matatandaang ilang matatatas na opisyal na ang sinipa ng pangulo dahil sa isyu ng korupsyon.

Read more...