Korte Suprema, CA, lower courts sa Makati at Maynila wala na ring pasok sa Lunes

By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2015 - 03:30 PM

supreme-courtSuspendido na rin ang pasok sa Korte Suprema at sa mga Lower Courts sa Makati at Maynila sa Lunes, November 16.

Sa modified work schedule na inilabas ng public information office ng Korte Suprema, dahil sa inaasahang mahirap na biyahe sa November 16, dahil sa mga ipatutupad na road closures sa ilang lansangan sa Metro Manila para sa APEC summit.

Sa abiso ng Supreme Court, sa Lunes, November 16, suspendido ang pasok sa first at second level courts sa Maynila at Makati. Ang mga executive judges ay inatasang magtalaga ng skeletal force sakaling may mga insidente ng ‘emergency filings’.

Sa Korte Suprema naman suspendido na ang pasok simula sa Lunes maliban lamang sa mga tanggapan ng JRO, Cashier, Motor Pool, Clerk of Court En Banc at Chambers of Justices.

Sa Court of Appeals suspendido rin ang pasok sa Lunes maliban na lamang sa mga itatalagang tanggapan ng presiding justice na kailangang manatiling bukas.

Sa November 17 hanggang 20, suspendido na ang lahat ng pasok sa mga korte sa buong Metro Manila.

Ang Sandiganbayan at ang mga executive judge ng mga lower courts ay dapat ding magtalaga ng skeletal force sa nasabing mga petsa.

TAGS: Supreme Court issues modified work suspension, Supreme Court issues modified work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.