Itinakda ang security briefing alas 11:00 ng umaga habang ang joint session naman ay magaganap bukas araw ng Miyerkules alas 9:00 ng umaga.
Nakasaad sa liham ng Malakanyang ang patuloy na terror threat sa bansa kaya sa pamamagitan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ay sumulat sila kay Senate Presdient Vicente “Tito”Sotto III at Speaker Gloria Arroyo para palawigin pa sa ikatlong pagkakataon ang martial law at suspension of the privilege of the wrut of habeas corpus sa Mindanao mula December 31, 2018 hanggang December 31, 2019.
Nauna na ring sinabi ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na formality na lang ang hinihinitay para sa pag-apruba ng martial law extension dahil na rin sa suporta ng majority bloc ni Arroyo.
Siniguro na rin ni Arroyo kay Duterte na pagbibigyan ng Kamara ang request nitong pagpapalawig sa batas militar.