LOOK: Tatlong Balangiga Bells sakay na ng C-130, nasa biyahe na pabalik ng Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2018 - 08:22 AM

Photo from U.S Embassy in the Philippines

Nasa biyahe na ngayon ang tatlong Balangiga bells patungo ng Pilipinas.

Sa larawan na ibinahagi ng sa U.S Embassy sa Pilipinas, ipinakitang sakay ng U.S. Air Force C-130 ang tatlong kampana.

Nakasaad sa tweet na galing Okinawa, Japan,

ay nasa biyahe na ang mga ito patungong Pilipinas.

Una nang tiniyak ng U.S. Embassy na makararating on-time sa bansa ang Balangiga bells.

Alas 10:00 ng umaga ngayong araw ay magsisimula ang pre-program activities para sa pagdating ng mga kampana sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kabilang dito ang pagsalubong sa mga kampana, pagbaba nito sa C-130 at pagbubukas ng crates laman ang mga bell.

Ala 1:30 naman ng hapon ang handover ceremony.

TAGS: balangiga bells, balangiga bells

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.