Catriona Gray rumampa sa national costume ng Miss Universe pageant

By Jimmy Tamayo December 11, 2018 - 07:47 AM

IG photo | Miss Philippines
Hindi nagpahuli sa national costume competition ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Sa kumpetisyon na ginanap sa Noong Nooch International Convention Center sa Pattaya, Thailand ibinandera ni Catriona ang national costume na kumakatawan sa tatlong rehiyon ng Pilipinas na Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang Pintados-inspired attire ay likha ng Jearson Demavivas na siya ring gumawa sa costume ni Catriona sa Binibining Pilipinas.

Sa Facebook Page ng Pageant Avenue – makikita ang pagrampa ni Catriona sa kanyang costume.

Ito umano ang unang pagkakataon na gumamit ng ganitong uri ng costume ang Philippine bet sa nasabing beauty contest.

Ang malaking props na hila-hila ni Catriona ay hango sa Christmas lantern sa Pampanga habang mga drawing sa likod nito ay nagpapakita ng kultura ng mga Pilipino.

Ang grand coronation night ay gaganapin sa Lunes, December 17 sa Impact Arena sa Bangkok. (end)

TAGS: Catriona Gray, miss universe, national costume, Pintados Inspired, Catriona Gray, miss universe, national costume, Pintados Inspired

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.