Mel B ng Spice Girls naaksidente, sasailalim sa operasyon
Naaksidente si Melanie “Mel B” Brown ng grupong Spice Girls.
Nagpapagaling ngayong sa ospital si Mel B matapos magtamo ng bali sa ribs at hand injury.
Sa kaniyang Instagram account ibinahagi ni Mel B ang kaniyang larawan habang siya ay nasa ospital.
Hindi idinetalye ni Mel B kung ano ang nangyaring aksidente, pero sinabi nito na kailangan niyang sumailalim sa tatlong oras na operasyon para maiayos ang injury sa kanang kamay niya.
Humingi rin ng paumanhin si Mel B sa pagkansela ng kaniyang book signing sa New York at tiniyak na maglalabas sila ng panibagong schedule para dito.
Agad namang dumalaw kay Mel B sa ospital sina Spice Girls members Emma Bunton, Geri Halliwell at Mel C.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.