Trump naghahanap ng bagong chief of staff
Naghahanap ng bagong chief of staff ngayon si US President Donald Trump.
Sa pagtatapos kasi ng taon, magbibitiw na sa kaniyang pwesto ang kasalukuyang chief of staff na si John Kelly.
Sa kaniyang tweet sinabi ni Trump na may ilang personalidad na siyang naisailalim sa interview.
Unang napaulat na ikinukunsidera para sa pwesto si Nick Ayers, ang chief of staff ni Vice President Mike Pence, pero itinanggi ito ni Trump.
Mismong si Ayers kasi ang tumanggi para sa nasabing pwesto at sinabing sa pagtatapos ng taon ay aalis na rin sya sa administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.