Balangiga Bells maiuuwi na ng bansa ngayong araw

By Justinne Punsalang December 11, 2018 - 04:46 AM

Ngayong araw inaasahang darating sa bansa ang tatlong Balangiga Bells.

Sa ngayon ay nasa Kadena Air Base sa Okinawa, Japan ang mga kampana kung saan pansamantalang nagkaroon ng stopover ang United Stated Air Force personnel na silang maghahatid ng mga ito sa Villamor Airbase mamayang umaga.

Mahigpit na binabantayan ng US Air Force ang mga wooden crates na pinaglalagyan ng mga kampana bago ito muling isasakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas.

Sa December 15 naman ay dadalhin ang Balangiga Bells sa Eastern Samar.

Matatandaang kinuha ng mga Amerikanong sundalo ang mga Balangiga Bells bilang war trophies matapos ang malagim na Balangiga Massacre na ikinasawi ng libu-libong mga Pilipino noong 1901.

Dalawa sa mga kampana ay nanatili sa FE Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming, habang ang isa naman ay nasa Camp Red Cloud na isang military base ng Amerika sa Uijeongbu, South Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.