Pagbabalik ng Balangiga Bells simbolo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at US — Malacañan
Pagpapakita ng pagiging tunay na magkaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos ang nakatakdang pagsasauli ng Balangiga Bells.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa gabi bago ang pagdating ng mga kampana sa Villamor Airbase.
Ayon kay Panelo, makasaysayan at unprecedented ang pagbabalik ng Balangiga Bells sa Eastern Samar na kanilang orihinal na pinaglagakan.
Aniya, isa itong importanteng milestone sa kasaysayan hindi lamang para sa Pilipinas, ngunit maging sa Estados Unidos.
Kinilala rin ng tagapgsalita ng pangulo ang pagsisikap ng dalawang panig upang maibalik na ang mga kampana.
Aniya, dahil dito ay maaalala ang mga Amerikano bilang mga tunay na kaibigan ng Pilipinas at ng Filipino heritage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.