“Glorious” star Tony Labrusca, sinapak ng gwardya sa mall

By Len Montaño December 11, 2018 - 12:00 AM

Tony Labrusca

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan mapapanood na sinapak ang aktor na si Tony Labrusca ng gwardya sa isang mall.

Makikita rin sa video na bumulagta si Labrusca matapos itong masapak.

Sa video na pinost ni Patricia Ann Malubay Ramilo, makikita na nasa mall tour ang binata sa Batangas.

Matapos ang kanyang performance ay kinuyog si Labrusca ng mga fans.

Mapapanood sa video na tumakbo na ang aktor para iwasan ang mga tao.

Habang tumatakbo si Labrusca ay isang gwardya ang bigla siyang sinuntok.

Ipinasok si Labrusca sa isang tent kung saan siya nagpahinga.

Wala namang impormasyon kung nagtamo ng serious injury ang actor.

Dahil sa insidente, nagalit ang mga netizens sa gwardya pero may ilan naman na nagsabi na tila hindi naman sinadya ng gwardya na nasapok niya si Labrusca.

Sumikat si Labrusca dahil sa kontrobersyal na maiinit na eksena nila ni Angel Aquino sa pelikulang “Glorious.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.