48 pagpipiliang makasali sa 2018 PBA Rookie Draft

By Justinne Punsalang December 11, 2018 - 12:00 AM

Kabilang sina CJ Perez, Ray Parks, at Robert Bolick sa 48 mga basketbolistang pinagpipiliang makasama sa 2018 PBA Rookie Draft.

Si Perez ang nanguna sa Lyceum of the Philippines University Pirates para makapasok sa finals ng NCAA sa dalawang magkasunod na taon.

Si Parks naman ay naging miyembro ng Alab Pilipinas para sa ASEAN Basketball League, kung saan itinanghal siyang local Most Valuable Player (MVP).

Malaki rin ang kontribusyon ni Bolick para sa three-peat championship ng San Beda University Red Lions sa NCAA.

Bukod sa tatlo, kasama rin sa mga aspirants sina Javee Mocon, Bong Quinto, Paul Desiderio, at Abu Tratter.

Ang iba pang mga nag-apply para sa draft ay sina Matt Salem, Trevis Jackson, Tey Teodoro, Michael Calisaan, JP Calvo, Robbie Manalang, CJ Isit, Kyles Lao, at Diego Dario.

Magaganap ang rookie draft sa Sabado sa Robinson’s Place Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.