Lalaking may kahina-hinalang kilos nakuhanan ng droga sa Taguig City

By Justinne Punsalang December 11, 2018 - 12:00 AM

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa Barangay Ibayo Tipas sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Mark Acebo, 32 taong gulang na residente ng Barangay Hagonoy sa Taguig City pa rin.

Ayon sa mga elemento ng Taguig City Police, nagsasagawa sila ng pagpapatrolya sa lugar nang madaanan si Acebo na may kahina-hinalang kilos.

Nilapitan ng mga pulis ang lalaki at nang kapkapan ay doon nakuha mula dito ang isang pakete ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nakapiit na si Acebo at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.