Heneral na lumaban sa Marawi City, bagong commander ng SOCOM

By Justinne Punsalang December 11, 2018 - 12:04 AM

DVIDSHUB

Nagtalaga na ng bagong commander para sa Special Operations Command (Socom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay sa katauhan ni Major General Ramiro Manuel Rey na dating commander ng Joint Task Group Ranao sa kasagsagan ng kaguluhan sa Marawi City.

Sa flag-raising ceremony kahapon sa Camp Aguinaldo ay iginawad ni AFP chief General Carlito Galvez, Jr. kay Rey ang ikalawang estrelya sa kanyang balikat.

Bago ang promotion ay nanungkulan muna si Rey bilang commander ng Special Forces Regiment (Airborne).

Samantala, naunang itinalaga si Brigadier General Reynaldo Aquino bilang kapalit ni Rey sa Special Forces noong nakaraang Miyerkules sa command ceremony sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.