83rd founding anniversary ng AFP ipagdiriwang ngayong araw

Kasabay ng change of command ceremony kung saan ipapasa ni retiring Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Carlito Galvez, Jr. kay dating Eastern Mindanao Command chief Lieutenant General Benjamin Madrigal, Jr. ang pamumuno sa hanay ng mga militar, ay ipagdiriwang din mamayang hapon ng Sandatahang Lakas ang kanilang founding anniversary.

Sa December 21 ang eksaktong petsa ng ika-83 founding anniversary ng AFP.

Ngunit ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, pinag-isa na lamang nila ang dalawang event dahil mas praktikal ito at papasok sa hectic schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadalo bilang presiding officer ng change of command ceremony at panauhing pandangal ng founding anniversary.

Magaganap ang anibersaryo sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng magkahiwalay na seremonya para sa anibersaryo ng Sandatahang Lakas at pagsisimula sa serbisyo bilang pinuno ng AFP ni dating General Eduardo Año.

Read more...