Pilipinas bumaba ang pwesto sa 2018 Human Freedom Index
Mula sa dating ika-71 ay bumaba sa ika-73 ang ranggo ng Pilipinas sa 2018 Human Freedom Index (HFI)
Ito ay joint project ng Fraser Institute sa Canada, Friedrich Naumann Foundation for Freedom sa Germany, at Cato Institute sa Estados Unidos.
Layunin ng pag-aaral ang sukatin at i-rank ang human freedom sa 162 mga bansa sa pamamagitan ng 79 na mga indicators.
Ang global average human freedom para sa taong kasalukuyan ay 6.89 na mas mababa sa rating ng Pilipinas na nasa 6.92.
Nangunguna sa HFI ang bansang New Zealand na may 8.89 score. Sinundan naman ito ng Switzerland na may 8.79, Hong Kong na may 8.78, Australia na may 8.58, at Canada na mayroong 8.57.
Kapwa 8.55 naman ang human freedom score ng the Netherlands at Denmark, 8.50 sa Ireland at United Kingdom, at 8.47 para sa mga bansang Finland, Norway, at Taiwan.
Mas mataas ang naitalang score ng Pilipinas kumpara sa bansang Indonesia na nasa ika-85 pwesto na may 6.77 score, Malaysia sa ika-110 pwesto na may 6.41, at China na nasa ika-135 pwesto at may score na 5.91.
Samantala, lumabas din sa pag-aaral na nakuha ng Pilipinas ang score na 6.50 para sa personal freedom at 7.34 para sa economic freedom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.