Pumalag ang Palasyo ng Malacañan sa pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamalaking banta sa karapatang pantao sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na pinarurusahan ng kasalukuyang administrasyon ang sinumang lumalabag sa human rights sa Pilipinas.
Kinontra rin ni Panelo ang paglalarawan ng mga kritiko na may nagaganap na mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Ayon kay Panelo, hindi kasi sumasalamin sa totoong sitwasyon sa bansa ang mga batikos ng mga kritiko na marami ang nagaganap na patayan sa Pilipinas.
Dagdag ni Oanelo, may nagaganap lamang na patayan kapag nanlalaban ang mga suspek o nanganganib ang buhay ng mga tagapagpatupad ng batas.
Inihalimbawa pa ni Panelo ang kaso ni Kian Delos Santos kung saan nahatulang guilty sa kasong murder ang tatlong pulis dahil malinaw na pinatay ang bata sa anti-drug operations.