Magnitude 3.9 na lindol tumama sa Quezon

Niyanig ng isang magnitude 3.9 na lindol ang baybaying dagat ng San Francisco, Quezon.

Naganap ang lindol kaninang alas-2:14 ng madaling araw.

Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometro, timogsilangan ng nabanggit na bayan.

May lalim itong apat na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang idudulot na pagkasira sa mga ari-arian maging aftershocks ang lindol.

Read more...