WATCH: Residential area sa Makati City tinutupok ng apoy
(UPDATED AS OF 4:14AM) Umabot na sa Task Force Bravo ang sunog na nagaganap sa isang residential area sa Barangay Guadalupe Viejo, Makati City.
Batay sa paunang impormasyon mula sa mga otoridad, nagaganap ang pagliliyab sa loob ng Laperal Compound, partikular sa Bernardino Street.
Sumiklab ang sunog kaninang ala-1:08 ng hatinggabi at hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagliliyab.
Sa kasagsagan ng pagliliyab ay maririnig ang mga pagputok sa lugar.
Nabatid na halos 400 pamilya o 1,000 mga residente ang naapektuhan ng sunog at wala ngayong matuluyan.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa mga light materials ang dikit-dikit na bahay sa lugar.
Sa ngayon ay hindi pa batid kung mayroon bang nasaktan o nasawi dahil sa malaking apoy na tumutupok sa lugar.
Sa huling update ng mga otoridad, under control na ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.