CAFGU members, makatatatanggap na ng buwanang pinansyal na ayuda mula sa gobyerno

Inquirer file photo

Magandang balita para sa mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Ito ay dahil makatatanggap na sila ng buwanang pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan.

Base sa Executive Order No. 69 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 4, P7,000 ang matatanggap ng CAFGU members simula noong buwan ng Nobyembre 2018 at ngayong buwan ng Disyembre.

Kukunin ang pondo sa 2018 contingent fund.

Para naman sa taong 2019, inaatasan ng Malakanyang ang Department of Budget and Management (DBM) na pag-aralan ang pagbibigay ng financial assistance sa CAFGU members.

Taong 1987 nang itatag ang CAFGU ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Read more...